Tuesday, July 1, 2008

Malapit na tayo... Sa kalahati...

Sa panulat ni: RosYeL (^__^)

Petsa: Hunyo 21,2008.
Oras: Alas singko y medya ng Umaga.
Lokasyon: George Guest House

Doooooodddddd morning!!!! Hayan, umaga na naman. Walang oras para pumetiks sa kama. Sa natatandaan ko nung pagising ko, ang unang mga salitang namutawi sa aking labi ay…”Dod, makidusug kang bagya, please…” Hehe. Grabe naman kasi, nasaluksok ako ng todo sa may pader tabi ng kama. Wahaha. Gusto ko sanang gumalaw at change position sa pagtulog, kasi, di ako maka-move. Wehehe. So hayun, tuluyan ng nagka-ulirat at nagreydi na para sa second day ng aming adventure. Bago kami nagkahiwalay yesterday with our mabait na guide, sabi nya kita-kits daw kami ng 7am sa may munisipyo. So hayun, alas sais palang eh reydi na kami. Nag-almusal ng mainit na kape, cup noodles at syempre tortillos. Wahaha. Walang makaing iba eh, so pwede na yun. Laman tiyan din yun… Hihi.

Anywho, after kumain, dumiretso na kami ng Munisipyo. Parang ang layo noh, running distance lang naman from our place yung pupuntahan namin. Hehe. Kidding aside, nakakapagod din papunta doon. Alang katapusang lakaran… Grabeh! Kaloka!!! Pagdating namin doon, wala si kuya Mike. Nakuh, parang magpapalit pa kami ng guide ah. So hayun, sabi nga nung ale dun sa tourism office, eh hindi nag-log si manong. So change guide na lang kami. Yung unang na-assign na guide sa amin ay isang majobang mama. Tapos sabi namin ang destination is sa Mt. Ampacao. Nag-back out ang lolo mo, parang di nya carry. Heavy kasi sya… Haha! So ang nangyari, nalipat ulit kami ng guide. Kay Mamang Bungal naman. Sorry, di ko know mga pangalan nila. Hehe. Ay, infairness kay Mamang Bungal, inglisero ang lolo mo… Intro palang, “Do you have water with you? You should bring plenty of water before we go…” Wow, o di ba, pang-international ang dating! Na-daig pa si Janina San Miguel. Wahaha!!!

Paalis na sana kami ng biglang tumambad sa amin ang pagmumukha ni Kuya Mike. Wahaha, joke lang! Dumating sya, bangag. Kagigising pa lang ata, di pa naghilamos ang chaka. Naikwento nya na may inuman ata sila last night. Malamang, yun ang dahilan kung bakit nawawala pa sya sa sarili nya. Haha.

So hayun nga, nagstart nakami pumunta sa Mt. Calvary, este, Mt. Ampacao pala. Sa sobrang layo, di ko na matandaan ang mga naganap. Ang alam ko lang po mga kapatid, walang hanggang paglalakad. Grabeh!

* Heto, reyding-reydi na kami. Full gear! Ready to do a walkathon!!!!

* Arrrrgggghhh!!! Pucha, ubos na ang hininga ko!!! Nahihirapan na akong huminga!!! Di ko naman pwedeng tigilan ano? Hahaha!

Eventually, hehe, narating namin ang tuktok ng mountain. Ewan ko ba, kung ilang mountains yun. Haha. Nasa ika-pitong bundok na ata kami nun. Maganda ang view from there. Parang yung sa movie na “Sound of music”. Pagkakita ko nga nasambit ko nalang…”The hills are alive… with the sound of music…” Wahaha….

* Yan, view from top. Nice noh? Very nice naman… Hehe.. Dapat lang!!!
Sa haba ng linakad namin noh! (^__^)
* Yan ang killer view… Yung view ha, ako, mukhang killer lang.. Wahaha.. Kasama din natin ang team yoga ng Sagada… Wahahah.. Ahhhhmmmmm….. arayyyyyyy….Sakit ng mga paa namennnnnn….Ahhhhmmmmmmm… (^__^)

So pagkatapos ng picture taking session, ayun, naglakad na naman kami. Diyos ko! Wala ng katapusan… Hehe.. Joke. Medyo nakakatakot ang pababa ng bundok kasi sakto lang ata yung paa dun sa dinadaanan. Buti na lang at may hawak akong tungkod na napulot ni George Kurt, kung hindi eh malamang tuloy-tuloy ang aking pagdausdos pababa ng mountain!Kaloka!!!

* Ayan, malapit na malapit na kaming mahulog… Wehehe.. Arrggghhh!!!

Finally, narating din namin ang dulo ng walang hanggang kapaguran. After nun, nagpahinga ng konti. As in konti. Mga 10 minutes lang ata at gusto ng maglakad ulit ni Manong Mike. Adik sa paglalakad ata yun. Joke. (^__^)

Tumuloy kami sa Lake Danum. Siyanga pala, nasabi ko ba na naubusan kami ng inumin dahil nagmeryenda pa kami sa tuktok ng mountain? Grabeh kasi yung oreo... Haha! Buti na lang at meron palang "Mini Oasis of water" along sa daan. Nagduda pa nga kami kung malinis. Since, mega uhaw na kami, ininom na rin namin. Infairness, masarap at hindi lasang poso or ihi (eewww..) yung tubig. Wahaha. Kung hindi maninilaw kami, di ba? (^__^).

So hayun, ang malapit kay Kuya Mike at mga dalawang kilometro. Sobrang layo, tapos ang init-init pa... Syempre, tanghaling tapat. Over!!! Again, eventually narating din ang Lake Danum. Ayan, mga pictures sa baba. Mukhang madumi nga lang yung lake. Pero ayus na rin...Anu pa nga ba... Hehe.

* Picnic in the park noh? Parang hindi mainit ah... Hehe...
* Nice, solo shots. Look, it's the emo kid. Wahaha...(^__^)
After nyan ,syempre, mega-walk ulit. Parang gusto na namin sumuko... Grabeh, kahit di kami pinaghahanap ng batas eh susuko ka sa pagod!!! Sabi pa ni Manong Mike, eh tatlong kilometro na lang daw at malapit na kami sa bayan. Sus, bat may “LANG”… Dapat..."Tatlong Kilometro po!" Kaloka!!!

So gusto na naming magpatawag ng sasakayan para masundo na kami. Kaso, ang mahal naman nung bayad. P700 daw. Haller? So since kuripot kaming lahat, pinanindigan na lang namin ang paglalakad ng walang hanggan ulet... Pero, kung may truck or kung ano mang uri ng sasakyan ang dumaan, makiki-hitch na kami. Hehe.

Sa sobrang init, balak na lang namin sakyan yung mga bakang nakita namin eh. Hehehe.

* This is the less than 10 minutes rest after the 1 hour walkathon sa Mt. Calvary. (^__^)

* Ayan o, sasakay na sana si Kurt sa mga baka. Wahaha. May dala pa ngang oreo yan, gusto kasi nya may milk. Wahaha!!! Joke. (^__^)

Sa kakalakad, naisip namin ni Ms. Mel na kumanta na lang. Para di namin maisip ang gutom, pagod at init na nararanasan namin. Kinanta namin ang: Ang bayan kong Pilipinas at yung Ako ay Pilipino. O di ba, makabayan? Wahaha!!! Na-praning na kami. Kaloka! haha!!!

Sa tagal na naming naglalakad, dininig ulit ang aming hinaing. Hehe. May dumaan na van, at hayun nakisakay kami. Grabeh, ang haba pa pala ng lalakarin namin, tapos sasabihin malapit na lang??? Grabeh! Hindi na namin carry iyon!!!

Anyways, pagdating dun sa bayan, naglunch muna kami. Finally, pahinga time na!!! Nagtanong kay Manong Mike where masarap kumain, nagsuggest sya na sa Francis daw (name ng carinderia/resto/slow food...hehe...).

Tinanong namin where yung location, tapos nung makita namin kung saan kami kakain, nasa second floor pa. Puchas, hagdanan na naman!!! Ang sakit-sakit na ng paa namin eh!!! Hehe. Syet, walang choice. So there you go, umakyat at umorder na ng food. Buti may kasamang masarap na 1.5 na coke kaya sumaya ang araw ko... Wahaha!

Infairness, masarap naman yung food. Sagana pa rin sa Bell Peppers. Hehe. After nun, around 2pm, nagreydi na kami para pumunta sa Big Falls. Medyo malayo daw so kailangan namin magrent ng masasakyan. Yung nakitang van at sinakyan namin pababa ng Ampacao, yung din ang sinakyan papuntang Big Falls.

So dating gawi, walang hanggang paglalakad na naman. Yung unang part eh ayus pa. Pababa lang, less yung effort. Heto yung ibang mga sights na meron papunta sa Falls.

* Sobrang kitid ng mga daan dito, parang utak ng mga boss namin... Wahaha... (^__^)
* Village na nadaanan namin papunta dun sa Big Falls.
* Wow naman!!! Rice Terraces! Hehe. Penge naman bigas o! (^__^)

* The Big Falls. Malamig ang simoy ng hangin dito… Parang Christmas… Wet nga lang… Haha…(^__^)

* The peace sign ya'll!!! Brrrr.. it's "called" here... Hehe... (^__^)

So again, heto tapos na ang lakaran session namin, kami ay umuwi na agad. Pagkatapos ng bayaran sa guide at sasakyan, nagkahiwa-hiwalay na kami. Bago kami umuwi, nagtingin din kami ng mga souvenir items, para pasalubong sa mga gustong pasalubungan. Hehe. Ako bumili lang ng t-shirt at konting key chains para sa mga pwends...(^__^)

Tapos, kumain na kami ng dinner, kahit di pa naliligo. Para tuloy-tuloy na ang pahinga namin after. Kumain kami sa Alfredos. Masarap naman yung coke. Wahaha. Di ako nag-enjoy sa mga kainan masyado... Wala akong ganang kumain nung mga oras na iyon. Hinahanap ko si Hetty at Hamburglar... Wahaha...

Anywho, sa sobrang kapaguran, yan lang ang picture namin sa Alfredos. Hehe.

Tapos nun, umuwi na kami.Pagdating kina ate Dors, naligo agad at after nun naglaro ng tong-its at 1-2-3 pass. Haha. Since walang lipstick para sa mga talunan (isa ako dun.. syet…) baby powder ginamit. Nagmukha ata akong espasol! Ganun talaga kapalaran ko… sa sugal.. ahaha... Naman… (^__^)

Itinigil na namin yung game around 1115pm. Tapos natulog na kami kasi maaga pa alis namin the next day (6am...grabeh...).

So hayan, third day na yan. Meron pa, kala nyo... Next time na lang ulit. Wahaha. Tinatamad na ako. Salamat sa pagbabasa at nawa'y ipahinga nyo na ang inyong mga mata. (^__^)

Hanggang sa muli!!! Paalam!!!




2 comments:

detskie said...
This comment has been removed by the author.
detskie said...

bow ako syo dod..(^^,) wla na ako pdeng itanong kasi nakwento mo na lahat..ganyan ka kadaldal! kaloka! hahahaha.. lumuwa na mata ko kakabasa pero kakaaliw naman..idol ko na nga c kuya mike! hihihi..

Salamat ng marami sa mga pasalubong kahit wlang berries or hanging coffin magnet (joke!)..

mabuhay kayo mga dods! (^^,)