Monday, July 7, 2008

Finally…

Guys, don’t worry, last na ito. Wahaha. Alam ko hindi nyo na ma-take ang kadaldalan ko dito. Heto na yung huling chapter ng aming mis-adventures sa Sagada (Wala nga lang sina Ariel at Maverick…Sayang…)

Bangon na! Umaga na! Grabeh, wala na namang time para pumetiks. As usual, ang aga namin gumising. Grabeh naman kasi, 530am pa lang may araw na… Hehe…

So yun na nga, bumangon na kami at nagreydi para sa aming pag-alis. Since yung mga sasakyan eh hourly ang trip, ang balak namin eh 6am nandun na kami sa sakayan. Pagdating namin doon, sabi ng mga drivers eh 7am ang dating bus papuntang Baguio. So wait pa muna kami at nagdecide na magalmusal dun sa malapit na coffee shop (Ganduyan Inn ata name…).

Bago nag-almusal, pasyal lang ng konti dun sa may St. Mary’s Church.

St. Mary’s Church in Sagada

* Sa loob ng St. Mary’s Church naman ito…

* Itong isa, sa may St. Mary’s Church. Dun sa tapat, na may Bell. (^__^). Yung isang pic naman ay sa may balcony ng George’s Guest House.

Pagpasok namin dun sa coffee shop, may bumati sa amin ng, “Good morning…” Wow, first time, may bumati sa amin. Sa lahat kasi ng kinainan namin, hindi sila lahat friendly. Wehehe. May mabait naman pala sa lugar na ito. Haha.. Joke…(^__^)

Tuwing kakain eh, tipid time kami…Isang ham and cheese omelet at dalawang kape yung order namin ni Ro at sandwich, banana crepe at dalawang kape naman ang kina Kurt at Mela. Hehe...

Infernez sa lahat ng infernez, masarap yung food dito. For the first time, nag-enjoy ako. Hehe. Yung coffee din, masarap. Ewan ko lang, baka sobrang gutom lang ako that time o talagang masarap lang. Hehe. Heto pa, mas mura compare sa ibang mga kinainan namin. Sayang nga, di namin agad nalaman yung place, medyo tago kasi yung location.

Natagalan nga lang ng konti yung order pero okie lang. At least, bagong luto, di ba? Tapos dumating yung bus before 7am, at need na namin magreserve ng seats. Na-late yung order nina Mela so pinatake out na lang. Sumakay na kami ni Ro sa Bus at nag-cr muna sina Kurt and Mela.


Habang wait namin sina Mela, may mga chakang peeps din sa loob ng bus. Grabeh, nakakainis, tawa ng tawa at ang baho-baho pa!!! Annoying lang kasi ang aga-aga, “mega-laugh to the highest level like there’s no tomorrow” sila… tapos may kinakain silang amoy kanal! Di ko mawari kung ano yun. I think, nga-nga yung tinitira nila. Hehe. Eeeww... If you only knew.. Haha...


Anyway, so reydi na ang bus sa pag-alis… Kaso nga lang… wala pa yung mga kasama namin… Bababa sana ako para tawagin, tapos tinawag na pala sila nung driver.


* It’s raining rain!!! Kuha ni Ro habang wait sa bus. Paparating na ang bagyo…

So hayun, biyahe na nga kami, medyo nagstart ng umulan pero may araw pa naman. Dating gawi, si Ro sa may window sya. Kitang-kita nya ang view sa gilid ng bangin. Haha. Nakikipagpalit pa nga, sabi pa nya, turn ko na daw sa may window. Ayoko nga… Scary eh! (^__^)

Matutulog sana ako sa biyahe eh, kaso, laging amoy UTOT. Pura kasi yung mga kasabay namin sa bus eh, kain ng kain ng nakakadiring kung ano man yun. Feeling ko nga, tae kinakain nila eh. Tapos major laughter pa sila… Ang lakas, parang may pasugalan sa loob ng bus. Ah basta, naiinis ako sa mga nakasakay namin pauwi. Hehe. Bwiset la. (^__^)

Minsan naman, nawawala yung amoy, kaso madalas, umaalingasaw sa baho. Amoy tae sa kanal talaga. Tapos ilalagay sa bunganga. Hehe. Hindi exagge ito, totoo ang mga sinasabi ko… Hehehe.

Anyway, tiniis namin iyong hanggang baguio. Para naman may choice kami. Hehe. Tinry ko pa rin matulog, pero di talaga ako natutulog sa biyahe, lalo na kung public transpo. As usual, si Ro, mahimbing ang tulog. Hehe. Yung daan pauwi eh sobrang foggy. I think bandang Benguet na yung super foggy na daan.

* Kuha pa rin ni Ro sa biyahe. Super mega foggy afternoon, ay morning pa pala yan..

Yung total hours ng biyahe namin from Sagada to Baguio ay almost 6 hours din. Bayad per head is P220/head. Nakakabingi yung biyahe at again, medyo fast and the furios din si manong driver. Sanay na sanay sa biyahe. Hehe. Makitid din ang mga daan doon at kaya medyo scary ang mga bangin. Unang stop over ng biyahe ay sa may palengke ata ng Benguet.

* Sorry, natapat kami sa may CR eh… Hehe…

I think, tatlong stop over ang ginawa namin bago nakarating ng Baguio. Dun sa isang stop over namin ay kumain kami. As usual, si Pareng George, buy ng madaming inumin. Hehe. mag CCR na naman sya after, tapos magagalit si Ms. Mel. Wehehe. Kumain ako ng siopao at ang aking katabi naman ay lumantak ng dalawang balot. Hehe. Kakagat sana ako dun sa yellow ng balot, kaso natingin lang ako sa may gawing kanan ko, nawala ng parang bula yung balot. Haha... (^__^)

Pagdating naman sa Baguio, mga 1pm na rin yun, medyo mainit ang panahon. Hindi maaraw, pero humid. Tapos matrafik pa. Pagbaba namin ng bus, sumakay ulit, ng taxi, tapos nagpahatid sa may session road. Lunch break muna kami. Kumain kami sa Don Henricos. Sarap ng pizza. Hehe…


* Wow, ang sarap ng food namin. Hehe. Kumain kami sa Don Henrico’s Pizza, Pasta and More!!! Hehe.

After the lunch, si Ro sumama ang pakiramdam. Sumakit ang ulo pati na rin ang tiyan. Medyo quiet na nga sya eh (for the first time… pwera pa yung tulog sya... di counted yun… hihi…)

Anyhow, paglabas namin ng Don Henri, eh medyo malakas na ang ulan. Gusto pa namin dumaan sana ng palengke, kaso mabigat ang mga dala namin tapos malakas ang rain. Buti na lang may kilala si Ms. Mel na pwedeng ipasuyo ang mga gamit namin.

Tapos sabi ni Ms. Mel, malapit lang daw yung palengke kung nasaan kami. Dun sa kabilang kanto lang. So hindi na kami nagtaxi.

Parang sinapian si Ms. Mel ni Mike that time, kasi nag-iba ang definition ng malapit. Haha.

Grabeh, ang lakas ng ulan, takbo kami ng takbo papunta ng palengke. Basang-basa na nga kami eh. Hehe. Lumipat pa kami ng daan, tapos may over pass pa. Sus, Ms. Mel ha, ang lapit… Hehe. Pero ayus lang. Bakit? Nagawa na namin eh. Hehe.

Eto pang nakakabwiset, yung mga mga punyetang pedestrians na may dalang payong, nakikisiksikan pa sa gilid. May payong ka nga eh, bat di ka sa ulan??? Bwiset!!! (^__^) Ayan, na-irate na ako. Wahaha.

Anyhow ulit, pagdating sa palengke, ayun, basa na aking jacket. Hehe. Namili ng konting pasalubong (as in konti). After nun, balik na kami dun sa pinagiwanan ng aming mga gamit at nagpahatid na sa sakayan ng Victory Liner, para makauwi na.

Pagdating sa bus station, sakto lang, may paalis na bus na dadaan ng Dau Terminal. Sakto din, kasi may tatlong available na seats pa. Yun nga lang, nakahiwalay sa amin si George Kurt. At syempre ang aking maswerteng kaibigan na si Ro, may katabing nagpapasikip ng upuan. Haha, “medyo” chubby kasi yung mama so medyo nakasandal ang lola mo sa akin dahil iniiwasan nya ang katabi nya. Haha. Baba pamandin yung mama sa may Pangasinan pa. Heto pa, student pa raw sya ha. Hehe. Hindi halata infairness... Bad, bhoks. Stop it. (^__^)

* Sa loob na ng bus. Grabeh, nasa likuran na kami at nasa gitna pa. Ayus din, kasi kitang-kita ko yung tv from my place. Wahaha.

So hayun na nga, bumiyahe na kami pauwi. Finally!!! Heto na yung pinakahihintay kong moment eh. Hehe. As usual si Ro, ayun, nawalan agad ng malay tao. Haha. Pero meron pa kaming stop over. Kainis. Gusto ko tuluy-tuloy na ang biyahe. Hehe. Nagyayang bumaba sina Ms. Mel at Ro, kaso di na ako sumama. Tapos yung katabi daw ni Ro nakita nila kumakain na ng lugaw ata or kanin. Hehe. Nung bumalik si Mamang Chubby, may dala-dala pang Clover chips (Large) at choco mallows. Wow, dessert ha. Hehe.. Ooops! Tama na bhoks. Tama na. (^__^)

* Opo, si Ro yan. Katabi nya si Kurt dyan, kasi umalis na yung mamang chubby. Tulog ng tulog ano? Naiingit ako, kasi hindi ako makatulog. Haha. (^__^)

Sobrang lakas ng hangin sa labas at medyo madilim na nung umalis na kami from La Union (ata…) Signal number 2 na ata dun yung bagyo. Mabilis din ang biyahe at palagi din nasa left lane yung bus na sinasakyan namin. Sa sobrang tulog ni Ro eh di nya namalayan na nasa Bamban na kami. Hehe. Nakarating kami ng Dau Terminal ng alas nuebe na. Umalis kami ng Baguio around 5pm or 530 ata.

Tapos hayun, sinundo na ako at umuwi na! Finally. (^__^)


O, tapos na kwento ko. Next year naman. Paalam!!!


1 comment:

Unknown said...

wehehehe..ang haba nun ah! (^^,)

yung sa bus dods, kumbaga sa sinehan, nasa "premier" seats kyo..wahahaha

kahit naman may sablay sa adventure nyo..konti lang naman..malas lang talga c dod Ro (a.k.a. Balot Queen of the moment) sa bus, dod bhoks sa cave & dod mel sa falls..quits quits lang kyo..hihihi (^^,)