Inimbento ni: RoSyeL (^__^)
Mga tauhan:
* Roann -a.k.a. Ate ni Batang Red Bull (Ms. Omelet kung minsan ang pwedeng itawag…)
* Rochelle -a.k.a. Ms. Flat Footed (Laglag queen din minsan…)
* Armela -a.k.a. Last woman standing and walking… hehe…
* Paul John -a.k.a. KURT (CR boy...haha…)
Mga tauhan:
* Roann -a.k.a. Ate ni Batang Red Bull (Ms. Omelet kung minsan ang pwedeng itawag…)
* Rochelle -a.k.a. Ms. Flat Footed (Laglag queen din minsan…)
* Armela -a.k.a. Last woman standing and walking… hehe…
* Paul John -a.k.a. KURT (CR boy...haha…)
One Day - Isang Araw.
Petsa: Ika-labing siyam ng Hunyo, 2008.
Oras: Alas sais ng gabi.
Lokasyon: Dau Bus Terminal.
Ayan, nagkita-kita na kami sa mata ng mga kasama ko at tutungo na kami ng Maynila. Sobrang excited kaming apat (dami namin noh? Hehe…) magpunta sa Sagada. Matagal pinag-planuhan ito at maraming research ang involve dito. May mga nagdoubt na hindi matutuloy (kahit hindi nila sinasabi... hehe...),pero siyempre, kalat na ang balita so kailangan matuloy ito. Wahaha! At isa pa, bumili pa ako ng bag para lang matuloy ito, so by hook or by crook dapat, tuloy!!! Hahaha.
Petsa: Ika-labing siyam ng Hunyo, 2008.
Oras: Alas sais ng gabi.
Lokasyon: Dau Bus Terminal.
Ayan, nagkita-kita na kami sa mata ng mga kasama ko at tutungo na kami ng Maynila. Sobrang excited kaming apat (dami namin noh? Hehe…) magpunta sa Sagada. Matagal pinag-planuhan ito at maraming research ang involve dito. May mga nagdoubt na hindi matutuloy (kahit hindi nila sinasabi... hehe...),pero siyempre, kalat na ang balita so kailangan matuloy ito. Wahaha! At isa pa, bumili pa ako ng bag para lang matuloy ito, so by hook or by crook dapat, tuloy!!! Hahaha.
Ang unang schedule dapat ng alis namin ay noong June 14. Sakto, may sweldo, para may panggastos. Subalit, nagkaroon lang ng problema sa work schedule ni Kurt. Nasira na nga ang aking tuwa at nabalisa ako kung matutuloy pa nga ito. Buti na lang at napag-usapan ulit ng grupo ang ibang posibleng schedule namin. Ang susunod na nai-set ay dapat sa June 28. Medyo hindi ako pumayag ng June 20, kasi nga ito yung week na schedule ng aking buwanang tuldok. Hahaha.
Pero, subalit at however, dininig ang aming hinaing at may good news na dumating noong June 16th. Napaaga ang dating ng aking tuldok. Hehe. Nung nalaman ng mga kasamahan eh natuwa sila. Hayun, sa sobrang tuwa, na-ischedule naman ng sobrang aga. Gosh! Ginawang June 19 na imbes na 20th. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis eh. Hehe. Hindi pa tapos ang aking bwisita, gusto na nilang umalis. Anu ba yan, so early... di ba? Hehe. So, para namang may choice ako, hayun, na-finalize na yung date. Umalis nga kami ng June 19, 6pm. Nagkita-kita sa Dau Terminal. Ang routa namin is Manila-Banaue-Bontoc-Sagada. Ang dami pang in-between na dadaanan nun ha... Hehe.
Bago kami umalis, may mga balita tungkol sa paparating na Bagyo. Yun nga lang nasa Mindanao area pa. Parang ayaw pa nga akong paalisin ni Mother eh. Syempre, nagwo-worry siya. Sabi pa nga,"Kung madatnan kayo ng malakas na ulan, umuwi kayo kaagad ha..." Pero syempre, tuloy pa rin, parang yung ulan kasi sa may Clark lang. Wehehe.
Anyway, going back to where I belong, nakarating na kami ng Manila mga 830pm (ata...). Na-confuse si manong driver ng bus so ang nangyari, sumakay pa kami ng dyip papuntang Bus Station ng Florida (Name nung Bus). Ang biyahe papuntang Banaue ay 1045pm pa raw. P450/head ang bayad. Nagpunta din kami sa Autobus (Dimas-Alang) at sabi 930pm ang biyahe naman nila. Nagdecide kami na sa Florida Bus na lang, kasi mas mukhang bago yung Bus nila keysa dun sa Autobus. Safety first, ika nga. Hehe.
Habang waiting ang status, kumain muna kami sa malapit na Mini Stop. Wala matinong makain so hindi kami masyadong nag-enjoy sa food. Wala naman choice, walang fast food na malapit kung nasaan kami. Baka maiwan pa kami ng bus kaya, dun na lang kami kumain. After dun, bumalik na kami dun sa bus station at naghintay ng pagkatagal-tagal.
Mga alas diyes ng gabi, dumating na yung sasakyan namin. Pumasok na kami sa Bus para mailagay na yung mga kagamitan namin at maka-pwesto na sa mga lugar namin. Medyo disappointing yung bus, kasi may certain scent sya na nakakasuka. Hehe. Banyo scent. Eeew.. Deluxe na daw yun. Tapos kung gusto mong magbanyo, merong maliit na CR sa loob. As in maliit, parang singlaki lang ng takip ng manhole ang area. Para di ka mahulog or mapa-upo dun sa toilet bowl, kapit ka dapat sa door knob. Hehe. Ayus na rin yung bus, compare naman dun sa itsura nung Autobus. (^__^)
Medyo matagal pa rin ang aming paghihintay. Sa aking tantsa, umalis na ata kami ng Maynila bago mag-alas dose ng hatinggabi. Akala ko nga, eexit kami sa Dau ulit, kung nagkataon, magwawala ako. Wahaha!
Ang exit namin ay sa may Bulacan (base sa nakita kong mga road signs…). Ang natatandaan ko din ay dumaan kami ng Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Isabela. After that, wala na akong idea talaga. Masyado ng madilim sa labas. Basta ang goal namin, makarating ng safe sa Banaue. Hehe.
Sa tulin magmaneho ni manong driver, eh parang mabilis lang ang biyahe. Lagi kasi siyang nasa left lane, to over-take. Sus! Too fast and very furios ata... Banaue Drift... Hehe.
Tatlong beses din ata kami nag-stop over sa mga kainan. Pero bumaba lang kami dun sa pinakahuli. Nagkape at yosi muna, kasi sobrang lamig sa loob ng bus. Di na nakayanan ng powers ko. Hehe. Nag-cr din kami dun, pero grabeh… Nakakalasing sa sobrang panghe. Buset. Hahaha. Nawala tuloy ang antok ko... Haha...
So after nun, biyahe ulit (hayz...). As usual, di ako nakakatulog sa biyahe. Namimili ang leeg ko ng magandang pwesto eh. Prone kasi ako sa stiff neck. Haha. Grabeh! Signs of aging. Pucha naman... Hehe.
Ay, siyangapala, ang unang kamalasan ko sa biyaheng ito eh nung nasira yung aking chair. Buyset kasi eh, natanggal yung turnilyo nung may nadaanang bato or lubak ang bus. Kainis! Buti na lang at hindi tinamaan yung sebo girl dun sa likuran ko. Wahaha. Anyway, nagawa naman eh. Buti na lang at nakita pa namin yung turnilyo. Ang sakit sana sa likod nung biyahe na yun noh? Hehe.
Day Two - Pangalawa. Second. Araw.
Oras: Alas singko y medya ng umaga (I think...)
Petsa: June 20, 2008.
Lokasyon: Banaue
Oras: Alas singko y medya ng umaga (I think...)
Petsa: June 20, 2008.
Lokasyon: Banaue
Umaga na. Mataas na ang sikat ng araw. Ganda ng view from top. Medyo nakakatakot din, kasi sobrang lapit na sa bangin.
Final stop namin sa biyahe namin ay sa mismong Banaue na. Fresh air, grabeh. Pagbaba ng bus, may sumalubong na Mama sa amin. Nagtanong din kami kung paano ang biyahe papuntang Sagada. Sabi niya, may biyahe papuntang Bontoc, tapos sakay ulit ng dyip papuntang Sagada. Tapos, biglang may in-offer siyang package tour. Haha. Diretsong biyahe na daw yung sasakyan sa Sagada tapos may konting tour sa Banaue Rice Terraces. Ang bayad ay P250/person. Trip starts @ 8am. Nag-suggest na magbreakfast muna kami. Sinakay pa nga kami dun sa jeep nya, libre lang daw. Tapos isang pikit lang nandun na kami sa Hidden Valley Foodhaus. Natawa nga ako kay Mela, kasi ang comment nya…”Wow, it's so far…” Hahaha! Isang tambling lang, yun na yun. Mas nahirapan pa ata kami sa pagsakay eh. Sus, si manong talaga, patawa…Hahaha.
Since nagtitipid, share kami ni Ro. Umorder kami ng isang omelet (payborit…Haha…) at dalawang rice. Sina Mela at Kurt, chopseuy naman.
After ng breakfast, hinatid na kami sa may sakayan. Mga 9am na ata nung umalis kami ng Banaue. May mga ibang pasahero din sa loob ng jeep. May mga poreyngers din. MUkhang mga DOMs. Haha. Joke. Hingi sana ako ng pera. (^__^). Tapos may mga pasahero din na nakasakay sa may bubungan ng dyip. Kapag may pumapara, kinakalabog lang nila yung bubong. Astig noh? Hehe.
Heto yung disappointing na part, sabi nila may stop over sa mga Terraces… Pero wala naman pala. Lahat nga ng pictures na kuha namin eh nakaw lang. Sa bilis din magmaneho ni manong, tyambahan lang and kuha namin. Tapos, walang katapusang rough road ang biyahe. Ang paliwanag naman nila kung bakit walang stop-over, eh dahil daw di kasi puno yung dyip (cguro ng mga turistang gustong mamasyal...) Sayang naman. Kaya nga dumaan ng Banaue para makapasyal… Hmpf… Bad trip. Hehe.

Anyway, pasahe namin ay P150/person na lang hanggang Bontoc. Then, from Bontoc to Sagada naman P35/person. 45 minutes to an hour ang biyahe.
Punuan din ang style ng mga jeep dun. Hourly ang biyahe. Siyempre, habang mega-wait kami, picture taking muna kami dito. Nang mapuno na yung jeep, go na kami. Super cover ang face namin kasi medyo maalikabok. Kala ko sobrang maalikabok, yung pala hindi naman. Yung shades ko lang ang maalikabok. Haha. Engot. Pero nagcover na rin ako, kasi inaantok ako. Pero as usual, hindi ako totally nakatulog. Nakapikit lang, feeling ko makakatulog na ako nun. Pero hindi pala. Isang tao lang naman ang mahimbing matulog sa biyahe. Iyon ay si Roann. Ang bilis nawalan ng malay tao at nakatulog kaagad. Grabeh ha… Rough road na yung dinadaan pero, super tulog talaga. (^__^)
Finally, nakarating din kami sa aming tutuluyang bahay. Kahit mukhang masungit si Ate (Receptionist), astig naman yung guest house, infairview ha…
After naming maiayus ang aming mga kagamitan, nagbihis na kami at pumunta ng Municipal Hall (walking distance lang…) para mag-inquire about sa mga Guides. Pagkatapos nun, kumain muna kami ng Lunch sa ‘Masferre’ (not sure if tama spelling… hehe…). Isang order ng sinigang (Good for 4 peeps), apat na rice at isang bote ng napakamahal na COKE (nagtitipid po kami... hehe...)
After nun, nagtungo na kami sa Bat Cave. Kahit mataas ang araw, hindi naman gaanong mainit ang panahon. Ang na-assign na guide ay si manong Mike Say-awen (I think…). Describe pa ba namin? One word. Tahimik, sobra. Ay, two words pala yun. Haha. Mabait naman, aloof nga lang ang dating. Hehe. Infernez, informative naman sya. Tanong-sagot ang method nya minsan. Pero nage-explain naman siya kapag may dapat i-explain kahit walang nakikinig. Hahaha.
First stop, sa SUMAGING CAVE. Heto, grabe bukana palang ng cave scary na sya. Dun sa may pababa, medyo steep yung stairs pero na-carry ko naman. Hehe.
Medyo kinabahan din ako noong pababa nakami papunta sa cave. Madilim kasi talaga sa loob at again, steep yung stairs at maraming-marami ang mga kabatuhan (rocks…). Kung madudulas ka eh cguradong dedo ka kumbaga. So hayun, habang pababa na kami, mega hawak sa mga bato. Kala mo putik yung nasa mga batuhan… Wit, wrong kayo dyan! Yun na ang poopoo ng mga bats. Walang oras dito para maging maselan. Kung di mo hahawakan ang mga batuhan, ikamamatay mo!!! (^__^)
Sa natatandaan ko, ang unang nakita naming rock formation eh yung elephant. Base sa mga pictures na nakuhanan namin eh yun nga ang una. Hindi pa kasi ako nabasa... Hahaha! As we move on, marami kaming mga nakita pang ibang formation. Sa totoong lang, hindi ko na natatandaan ang mga nangyari eh, kasi sobrang nerbiyos ko. Wahaha. Na-appreciate ko naman nakita ko sa loob ng cave, kaso nga lang, matindi lang ang worry ko na baka madulas ako. So hayun, nangyari ang kinatatakutan ko. Nadulas nga ako. Hehe. Syet naman. (^__^)
Anyway, sa aming paglalakbay pababa, ang unang pagkadulas ko sa mga bato ay nangyari na. Very wrong!!! Sa kapampangan, “mitalingkibi ku…” Parang na-off balance ako ng konti. Kala ko nga napilayan na ako. Buti hindi, dahil wala pa kami sa kalahati ng paglalakbay at ayokong maiwan. Hehe.
After nun, lakad ulit... ay correction…gapang ulit… kailangan kumapit sa mga batuhan. Hanggang sa nakarating na kami dun sa may medyo safe ng place… hindi na madulas yung mga batuhan… Heto ang kamalasan ko, kung kalian hindi na madulas, eh dun pa ako nahulog! Syet! Technically, hindi ako nadulas, na-off balance lang. Wahaha. Hindi ko natantya yung step pababa. Natumba kasi ako sa may tubig kaya mukhang nadulas ako. Grabeh na ito! Masakit sya ha, infairness. Nasaktan na nga ako, napahiya pa. Sus! Grabeh... Kaloka! (^__^)
Heto pa ang nakakatawa, nung natumba na ako, ang una kong sinabi…”Ay, kuya yung bag ko…” Wahaha! Nahulog na nga, yung bag pa ang inisip. Baka kasi mabasa yung camera at ang aking celphone. Tumayo ako agad at pinalagay ko sa Bag ni Manong Mike So ayun, patuloy ang buhay, hehe. Kailangan ituloy ko kasi ayokong maiwan noh!. Hehe. After the incident, ayun, mega-alalay si Manong. Haha. Baka di na kasi ako makalabas ng buhay sa cave na yun. Hehe.
Anyway, kung saan-saan pa kami dinala nitong si Manong Mike. Tinanong kung gusto pa namin pumunta dun sa ibabang bahagi ng cave kung saan may mga water chuvanels up to the 10th level! Exagge... Hehe. Syempre game ang lahat. At ang opinyon ko? Sus, para naman may choice akong tumanggi. E di, game na rin ako. Ayoko atang bumalik mag-isa... Hallur? (Mapilitan ka ba bhoks… hehe…)

Since accident prone ako, hindi na ako yung pinapauna ni Manong Mike sa paglalakad namin sa loob ng cave… Hehe.. NaUna na sa akin si Ro… Sample ko sya… Hehe.. Batang red bull ito eh… Bionic woman. Mala-pusa. Joke dod... Hehe. Nahirapan ako dun sa mga part na may paakyat at lalo na yung steep na mga bato na pababa tapos may malamig pang tubig na umaagos. Yung isa sa pinakanahirapan ako eh yung pag-rappel pababa sa malamig na tubig. Ang daming kakapitan tapos magrerely ka lang dun sa lubid. Tapos sa ibaba, yung hanggang dibdib na tubig na super lamig… Brrr.... Super kinakabahan talaga ako noon. As usual una si Ro. Medyo scared din sya, kasi may kalaliman ang tubig at medyo may konti current kasi…
Kung Claustrophobic ka, di ka talaga pwede dito, ikakamatay mo… Hehe… Ang nakakatawa pa, natatakot na nga ako sa pagpalipat lipat ko sa mga bato, bitbit ko parin yung aming mga bottled water… Wahaha… Bawal kasi magtapon doon, nakakahiya naman kay mother nature kung iiwan lang namin doon. Hehe…
Anyway, after malampasan yun, sumunod naman yung paakyat, through lubid lang... Grabeh, kahit hindi madulas yung rock, natatakot na ako, kasi nga meydo flat footed ako at prone sa aksidente… Natatakot akong madulas at baka tumama ang face ko sa rock at masira yung ipin ko kung ma-wrong move ako… Wahaha… Na-praning na talaga ako ng todo!!! Anywho, nagawa ko naman yung pag-akyat, so move on na kami until palabas na…
May mga tinuro pa palang parang mga drawings sa pader ng cave si Manong Mike. Wala lang. Hindi ko masyadong pinansin, kasi gusto ko ng lumabas. Hehe.
Ay, heto pa, bago kami lumabas, ginudtym pa kami ni Manong Mike. Pinadaan (actually, gapang...) pa kami dun sa isang side ng cave… Nagtaka pa nga kami bakit pina-una si Ro, eh ang dilim, siya lang may dala nung gasera... Yung pala, meron na man palang daan dun sa kabila!!! Kainis… natamaan pa tuloy ang aking mga galos…Huhu… Mataket kasi.. Hehe…
Around 530 or 6pm na nung nakalabas kami. Nagstart ata kami ng mga 2 or 3pm… Medyo matagal din infairness… May mga nasalubong pa nga kami papasok sa Cave, pero I think sandali lang sila dun.
Anyway, tapos sa cave, pinuntahan naman namin ang Burial Site malapit din doon or heto din yung tinatawag nilang mga hanging coffins. Again, alay-lakad moment ulit papunta dito, kasi pababa ng hill ang location. Creepy din yung place kasi tahimik talaga. Tapos, makitid din ang daan papunta dito...
Nagpicture lang kami ng konti tapos umalis din, kasi mag-gagabi na at natatakot na rin kami. At nilalamig na kami kasi basang-basa ang aming mga outfit... Hehe...
Pagkauwi, pahinga ng konti, tapos nag-shower na lahat para makapag-dinner na kami. Sabi kasi nila may curfew ng 9pm. So, kumain kami sa YOGHURT HOUSE. In-order ko yung fried rice, pareho pala kami ni Kurt ng order, di kami aware… Sana nag-pasta na lang ako… Hehe… Tapos si Mela, sandwich lang kinain pero masarap naman infairness.
Si Ro, Chopseuy ang order at syempre, may special participation ang mahiwagang scrambled egg. Haha… At syempre, ang aking favorite, COKE, meron din. Tsaka, tinikman din namin pala yung yogurt nila. Masarap naman... (^__^)
After ng magulay na dinner namin, balik na kami sa Guest House. Nag-ayos lang ako ng gamit at nireydi ang aking isusuot the next day. After nun, tulog na kaming lahat. Si Ms. Mel ang pinaka unang na knocked out sa amin. Nawalan agad ng Malay tao. Hehe… O sa next blog na yung second day namin… Kakatamad na eh... Hehe... Thanks for reading. Mwuah! (^__^)