Monday, July 7, 2008

Finally…

Guys, don’t worry, last na ito. Wahaha. Alam ko hindi nyo na ma-take ang kadaldalan ko dito. Heto na yung huling chapter ng aming mis-adventures sa Sagada (Wala nga lang sina Ariel at Maverick…Sayang…)

Bangon na! Umaga na! Grabeh, wala na namang time para pumetiks. As usual, ang aga namin gumising. Grabeh naman kasi, 530am pa lang may araw na… Hehe…

So yun na nga, bumangon na kami at nagreydi para sa aming pag-alis. Since yung mga sasakyan eh hourly ang trip, ang balak namin eh 6am nandun na kami sa sakayan. Pagdating namin doon, sabi ng mga drivers eh 7am ang dating bus papuntang Baguio. So wait pa muna kami at nagdecide na magalmusal dun sa malapit na coffee shop (Ganduyan Inn ata name…).

Bago nag-almusal, pasyal lang ng konti dun sa may St. Mary’s Church.

St. Mary’s Church in Sagada

* Sa loob ng St. Mary’s Church naman ito…

* Itong isa, sa may St. Mary’s Church. Dun sa tapat, na may Bell. (^__^). Yung isang pic naman ay sa may balcony ng George’s Guest House.

Pagpasok namin dun sa coffee shop, may bumati sa amin ng, “Good morning…” Wow, first time, may bumati sa amin. Sa lahat kasi ng kinainan namin, hindi sila lahat friendly. Wehehe. May mabait naman pala sa lugar na ito. Haha.. Joke…(^__^)

Tuwing kakain eh, tipid time kami…Isang ham and cheese omelet at dalawang kape yung order namin ni Ro at sandwich, banana crepe at dalawang kape naman ang kina Kurt at Mela. Hehe...

Infernez sa lahat ng infernez, masarap yung food dito. For the first time, nag-enjoy ako. Hehe. Yung coffee din, masarap. Ewan ko lang, baka sobrang gutom lang ako that time o talagang masarap lang. Hehe. Heto pa, mas mura compare sa ibang mga kinainan namin. Sayang nga, di namin agad nalaman yung place, medyo tago kasi yung location.

Natagalan nga lang ng konti yung order pero okie lang. At least, bagong luto, di ba? Tapos dumating yung bus before 7am, at need na namin magreserve ng seats. Na-late yung order nina Mela so pinatake out na lang. Sumakay na kami ni Ro sa Bus at nag-cr muna sina Kurt and Mela.


Habang wait namin sina Mela, may mga chakang peeps din sa loob ng bus. Grabeh, nakakainis, tawa ng tawa at ang baho-baho pa!!! Annoying lang kasi ang aga-aga, “mega-laugh to the highest level like there’s no tomorrow” sila… tapos may kinakain silang amoy kanal! Di ko mawari kung ano yun. I think, nga-nga yung tinitira nila. Hehe. Eeeww... If you only knew.. Haha...


Anyway, so reydi na ang bus sa pag-alis… Kaso nga lang… wala pa yung mga kasama namin… Bababa sana ako para tawagin, tapos tinawag na pala sila nung driver.


* It’s raining rain!!! Kuha ni Ro habang wait sa bus. Paparating na ang bagyo…

So hayun, biyahe na nga kami, medyo nagstart ng umulan pero may araw pa naman. Dating gawi, si Ro sa may window sya. Kitang-kita nya ang view sa gilid ng bangin. Haha. Nakikipagpalit pa nga, sabi pa nya, turn ko na daw sa may window. Ayoko nga… Scary eh! (^__^)

Matutulog sana ako sa biyahe eh, kaso, laging amoy UTOT. Pura kasi yung mga kasabay namin sa bus eh, kain ng kain ng nakakadiring kung ano man yun. Feeling ko nga, tae kinakain nila eh. Tapos major laughter pa sila… Ang lakas, parang may pasugalan sa loob ng bus. Ah basta, naiinis ako sa mga nakasakay namin pauwi. Hehe. Bwiset la. (^__^)

Minsan naman, nawawala yung amoy, kaso madalas, umaalingasaw sa baho. Amoy tae sa kanal talaga. Tapos ilalagay sa bunganga. Hehe. Hindi exagge ito, totoo ang mga sinasabi ko… Hehehe.

Anyway, tiniis namin iyong hanggang baguio. Para naman may choice kami. Hehe. Tinry ko pa rin matulog, pero di talaga ako natutulog sa biyahe, lalo na kung public transpo. As usual, si Ro, mahimbing ang tulog. Hehe. Yung daan pauwi eh sobrang foggy. I think bandang Benguet na yung super foggy na daan.

* Kuha pa rin ni Ro sa biyahe. Super mega foggy afternoon, ay morning pa pala yan..

Yung total hours ng biyahe namin from Sagada to Baguio ay almost 6 hours din. Bayad per head is P220/head. Nakakabingi yung biyahe at again, medyo fast and the furios din si manong driver. Sanay na sanay sa biyahe. Hehe. Makitid din ang mga daan doon at kaya medyo scary ang mga bangin. Unang stop over ng biyahe ay sa may palengke ata ng Benguet.

* Sorry, natapat kami sa may CR eh… Hehe…

I think, tatlong stop over ang ginawa namin bago nakarating ng Baguio. Dun sa isang stop over namin ay kumain kami. As usual, si Pareng George, buy ng madaming inumin. Hehe. mag CCR na naman sya after, tapos magagalit si Ms. Mel. Wehehe. Kumain ako ng siopao at ang aking katabi naman ay lumantak ng dalawang balot. Hehe. Kakagat sana ako dun sa yellow ng balot, kaso natingin lang ako sa may gawing kanan ko, nawala ng parang bula yung balot. Haha... (^__^)

Pagdating naman sa Baguio, mga 1pm na rin yun, medyo mainit ang panahon. Hindi maaraw, pero humid. Tapos matrafik pa. Pagbaba namin ng bus, sumakay ulit, ng taxi, tapos nagpahatid sa may session road. Lunch break muna kami. Kumain kami sa Don Henricos. Sarap ng pizza. Hehe…


* Wow, ang sarap ng food namin. Hehe. Kumain kami sa Don Henrico’s Pizza, Pasta and More!!! Hehe.

After the lunch, si Ro sumama ang pakiramdam. Sumakit ang ulo pati na rin ang tiyan. Medyo quiet na nga sya eh (for the first time… pwera pa yung tulog sya... di counted yun… hihi…)

Anyhow, paglabas namin ng Don Henri, eh medyo malakas na ang ulan. Gusto pa namin dumaan sana ng palengke, kaso mabigat ang mga dala namin tapos malakas ang rain. Buti na lang may kilala si Ms. Mel na pwedeng ipasuyo ang mga gamit namin.

Tapos sabi ni Ms. Mel, malapit lang daw yung palengke kung nasaan kami. Dun sa kabilang kanto lang. So hindi na kami nagtaxi.

Parang sinapian si Ms. Mel ni Mike that time, kasi nag-iba ang definition ng malapit. Haha.

Grabeh, ang lakas ng ulan, takbo kami ng takbo papunta ng palengke. Basang-basa na nga kami eh. Hehe. Lumipat pa kami ng daan, tapos may over pass pa. Sus, Ms. Mel ha, ang lapit… Hehe. Pero ayus lang. Bakit? Nagawa na namin eh. Hehe.

Eto pang nakakabwiset, yung mga mga punyetang pedestrians na may dalang payong, nakikisiksikan pa sa gilid. May payong ka nga eh, bat di ka sa ulan??? Bwiset!!! (^__^) Ayan, na-irate na ako. Wahaha.

Anyhow ulit, pagdating sa palengke, ayun, basa na aking jacket. Hehe. Namili ng konting pasalubong (as in konti). After nun, balik na kami dun sa pinagiwanan ng aming mga gamit at nagpahatid na sa sakayan ng Victory Liner, para makauwi na.

Pagdating sa bus station, sakto lang, may paalis na bus na dadaan ng Dau Terminal. Sakto din, kasi may tatlong available na seats pa. Yun nga lang, nakahiwalay sa amin si George Kurt. At syempre ang aking maswerteng kaibigan na si Ro, may katabing nagpapasikip ng upuan. Haha, “medyo” chubby kasi yung mama so medyo nakasandal ang lola mo sa akin dahil iniiwasan nya ang katabi nya. Haha. Baba pamandin yung mama sa may Pangasinan pa. Heto pa, student pa raw sya ha. Hehe. Hindi halata infairness... Bad, bhoks. Stop it. (^__^)

* Sa loob na ng bus. Grabeh, nasa likuran na kami at nasa gitna pa. Ayus din, kasi kitang-kita ko yung tv from my place. Wahaha.

So hayun na nga, bumiyahe na kami pauwi. Finally!!! Heto na yung pinakahihintay kong moment eh. Hehe. As usual si Ro, ayun, nawalan agad ng malay tao. Haha. Pero meron pa kaming stop over. Kainis. Gusto ko tuluy-tuloy na ang biyahe. Hehe. Nagyayang bumaba sina Ms. Mel at Ro, kaso di na ako sumama. Tapos yung katabi daw ni Ro nakita nila kumakain na ng lugaw ata or kanin. Hehe. Nung bumalik si Mamang Chubby, may dala-dala pang Clover chips (Large) at choco mallows. Wow, dessert ha. Hehe.. Ooops! Tama na bhoks. Tama na. (^__^)

* Opo, si Ro yan. Katabi nya si Kurt dyan, kasi umalis na yung mamang chubby. Tulog ng tulog ano? Naiingit ako, kasi hindi ako makatulog. Haha. (^__^)

Sobrang lakas ng hangin sa labas at medyo madilim na nung umalis na kami from La Union (ata…) Signal number 2 na ata dun yung bagyo. Mabilis din ang biyahe at palagi din nasa left lane yung bus na sinasakyan namin. Sa sobrang tulog ni Ro eh di nya namalayan na nasa Bamban na kami. Hehe. Nakarating kami ng Dau Terminal ng alas nuebe na. Umalis kami ng Baguio around 5pm or 530 ata.

Tapos hayun, sinundo na ako at umuwi na! Finally. (^__^)


O, tapos na kwento ko. Next year naman. Paalam!!!


Tuesday, July 1, 2008

Malapit na tayo... Sa kalahati...

Sa panulat ni: RosYeL (^__^)

Petsa: Hunyo 21,2008.
Oras: Alas singko y medya ng Umaga.
Lokasyon: George Guest House

Doooooodddddd morning!!!! Hayan, umaga na naman. Walang oras para pumetiks sa kama. Sa natatandaan ko nung pagising ko, ang unang mga salitang namutawi sa aking labi ay…”Dod, makidusug kang bagya, please…” Hehe. Grabe naman kasi, nasaluksok ako ng todo sa may pader tabi ng kama. Wahaha. Gusto ko sanang gumalaw at change position sa pagtulog, kasi, di ako maka-move. Wehehe. So hayun, tuluyan ng nagka-ulirat at nagreydi na para sa second day ng aming adventure. Bago kami nagkahiwalay yesterday with our mabait na guide, sabi nya kita-kits daw kami ng 7am sa may munisipyo. So hayun, alas sais palang eh reydi na kami. Nag-almusal ng mainit na kape, cup noodles at syempre tortillos. Wahaha. Walang makaing iba eh, so pwede na yun. Laman tiyan din yun… Hihi.

Anywho, after kumain, dumiretso na kami ng Munisipyo. Parang ang layo noh, running distance lang naman from our place yung pupuntahan namin. Hehe. Kidding aside, nakakapagod din papunta doon. Alang katapusang lakaran… Grabeh! Kaloka!!! Pagdating namin doon, wala si kuya Mike. Nakuh, parang magpapalit pa kami ng guide ah. So hayun, sabi nga nung ale dun sa tourism office, eh hindi nag-log si manong. So change guide na lang kami. Yung unang na-assign na guide sa amin ay isang majobang mama. Tapos sabi namin ang destination is sa Mt. Ampacao. Nag-back out ang lolo mo, parang di nya carry. Heavy kasi sya… Haha! So ang nangyari, nalipat ulit kami ng guide. Kay Mamang Bungal naman. Sorry, di ko know mga pangalan nila. Hehe. Ay, infairness kay Mamang Bungal, inglisero ang lolo mo… Intro palang, “Do you have water with you? You should bring plenty of water before we go…” Wow, o di ba, pang-international ang dating! Na-daig pa si Janina San Miguel. Wahaha!!!

Paalis na sana kami ng biglang tumambad sa amin ang pagmumukha ni Kuya Mike. Wahaha, joke lang! Dumating sya, bangag. Kagigising pa lang ata, di pa naghilamos ang chaka. Naikwento nya na may inuman ata sila last night. Malamang, yun ang dahilan kung bakit nawawala pa sya sa sarili nya. Haha.

So hayun nga, nagstart nakami pumunta sa Mt. Calvary, este, Mt. Ampacao pala. Sa sobrang layo, di ko na matandaan ang mga naganap. Ang alam ko lang po mga kapatid, walang hanggang paglalakad. Grabeh!

* Heto, reyding-reydi na kami. Full gear! Ready to do a walkathon!!!!

* Arrrrgggghhh!!! Pucha, ubos na ang hininga ko!!! Nahihirapan na akong huminga!!! Di ko naman pwedeng tigilan ano? Hahaha!

Eventually, hehe, narating namin ang tuktok ng mountain. Ewan ko ba, kung ilang mountains yun. Haha. Nasa ika-pitong bundok na ata kami nun. Maganda ang view from there. Parang yung sa movie na “Sound of music”. Pagkakita ko nga nasambit ko nalang…”The hills are alive… with the sound of music…” Wahaha….

* Yan, view from top. Nice noh? Very nice naman… Hehe.. Dapat lang!!!
Sa haba ng linakad namin noh! (^__^)
* Yan ang killer view… Yung view ha, ako, mukhang killer lang.. Wahaha.. Kasama din natin ang team yoga ng Sagada… Wahahah.. Ahhhhmmmmm….. arayyyyyyy….Sakit ng mga paa namennnnnn….Ahhhhmmmmmmm… (^__^)

So pagkatapos ng picture taking session, ayun, naglakad na naman kami. Diyos ko! Wala ng katapusan… Hehe.. Joke. Medyo nakakatakot ang pababa ng bundok kasi sakto lang ata yung paa dun sa dinadaanan. Buti na lang at may hawak akong tungkod na napulot ni George Kurt, kung hindi eh malamang tuloy-tuloy ang aking pagdausdos pababa ng mountain!Kaloka!!!

* Ayan, malapit na malapit na kaming mahulog… Wehehe.. Arrggghhh!!!

Finally, narating din namin ang dulo ng walang hanggang kapaguran. After nun, nagpahinga ng konti. As in konti. Mga 10 minutes lang ata at gusto ng maglakad ulit ni Manong Mike. Adik sa paglalakad ata yun. Joke. (^__^)

Tumuloy kami sa Lake Danum. Siyanga pala, nasabi ko ba na naubusan kami ng inumin dahil nagmeryenda pa kami sa tuktok ng mountain? Grabeh kasi yung oreo... Haha! Buti na lang at meron palang "Mini Oasis of water" along sa daan. Nagduda pa nga kami kung malinis. Since, mega uhaw na kami, ininom na rin namin. Infairness, masarap at hindi lasang poso or ihi (eewww..) yung tubig. Wahaha. Kung hindi maninilaw kami, di ba? (^__^).

So hayun, ang malapit kay Kuya Mike at mga dalawang kilometro. Sobrang layo, tapos ang init-init pa... Syempre, tanghaling tapat. Over!!! Again, eventually narating din ang Lake Danum. Ayan, mga pictures sa baba. Mukhang madumi nga lang yung lake. Pero ayus na rin...Anu pa nga ba... Hehe.

* Picnic in the park noh? Parang hindi mainit ah... Hehe...
* Nice, solo shots. Look, it's the emo kid. Wahaha...(^__^)
After nyan ,syempre, mega-walk ulit. Parang gusto na namin sumuko... Grabeh, kahit di kami pinaghahanap ng batas eh susuko ka sa pagod!!! Sabi pa ni Manong Mike, eh tatlong kilometro na lang daw at malapit na kami sa bayan. Sus, bat may “LANG”… Dapat..."Tatlong Kilometro po!" Kaloka!!!

So gusto na naming magpatawag ng sasakayan para masundo na kami. Kaso, ang mahal naman nung bayad. P700 daw. Haller? So since kuripot kaming lahat, pinanindigan na lang namin ang paglalakad ng walang hanggan ulet... Pero, kung may truck or kung ano mang uri ng sasakyan ang dumaan, makiki-hitch na kami. Hehe.

Sa sobrang init, balak na lang namin sakyan yung mga bakang nakita namin eh. Hehehe.

* This is the less than 10 minutes rest after the 1 hour walkathon sa Mt. Calvary. (^__^)

* Ayan o, sasakay na sana si Kurt sa mga baka. Wahaha. May dala pa ngang oreo yan, gusto kasi nya may milk. Wahaha!!! Joke. (^__^)

Sa kakalakad, naisip namin ni Ms. Mel na kumanta na lang. Para di namin maisip ang gutom, pagod at init na nararanasan namin. Kinanta namin ang: Ang bayan kong Pilipinas at yung Ako ay Pilipino. O di ba, makabayan? Wahaha!!! Na-praning na kami. Kaloka! haha!!!

Sa tagal na naming naglalakad, dininig ulit ang aming hinaing. Hehe. May dumaan na van, at hayun nakisakay kami. Grabeh, ang haba pa pala ng lalakarin namin, tapos sasabihin malapit na lang??? Grabeh! Hindi na namin carry iyon!!!

Anyways, pagdating dun sa bayan, naglunch muna kami. Finally, pahinga time na!!! Nagtanong kay Manong Mike where masarap kumain, nagsuggest sya na sa Francis daw (name ng carinderia/resto/slow food...hehe...).

Tinanong namin where yung location, tapos nung makita namin kung saan kami kakain, nasa second floor pa. Puchas, hagdanan na naman!!! Ang sakit-sakit na ng paa namin eh!!! Hehe. Syet, walang choice. So there you go, umakyat at umorder na ng food. Buti may kasamang masarap na 1.5 na coke kaya sumaya ang araw ko... Wahaha!

Infairness, masarap naman yung food. Sagana pa rin sa Bell Peppers. Hehe. After nun, around 2pm, nagreydi na kami para pumunta sa Big Falls. Medyo malayo daw so kailangan namin magrent ng masasakyan. Yung nakitang van at sinakyan namin pababa ng Ampacao, yung din ang sinakyan papuntang Big Falls.

So dating gawi, walang hanggang paglalakad na naman. Yung unang part eh ayus pa. Pababa lang, less yung effort. Heto yung ibang mga sights na meron papunta sa Falls.

* Sobrang kitid ng mga daan dito, parang utak ng mga boss namin... Wahaha... (^__^)
* Village na nadaanan namin papunta dun sa Big Falls.
* Wow naman!!! Rice Terraces! Hehe. Penge naman bigas o! (^__^)

* The Big Falls. Malamig ang simoy ng hangin dito… Parang Christmas… Wet nga lang… Haha…(^__^)

* The peace sign ya'll!!! Brrrr.. it's "called" here... Hehe... (^__^)

So again, heto tapos na ang lakaran session namin, kami ay umuwi na agad. Pagkatapos ng bayaran sa guide at sasakyan, nagkahiwa-hiwalay na kami. Bago kami umuwi, nagtingin din kami ng mga souvenir items, para pasalubong sa mga gustong pasalubungan. Hehe. Ako bumili lang ng t-shirt at konting key chains para sa mga pwends...(^__^)

Tapos, kumain na kami ng dinner, kahit di pa naliligo. Para tuloy-tuloy na ang pahinga namin after. Kumain kami sa Alfredos. Masarap naman yung coke. Wahaha. Di ako nag-enjoy sa mga kainan masyado... Wala akong ganang kumain nung mga oras na iyon. Hinahanap ko si Hetty at Hamburglar... Wahaha...

Anywho, sa sobrang kapaguran, yan lang ang picture namin sa Alfredos. Hehe.

Tapos nun, umuwi na kami.Pagdating kina ate Dors, naligo agad at after nun naglaro ng tong-its at 1-2-3 pass. Haha. Since walang lipstick para sa mga talunan (isa ako dun.. syet…) baby powder ginamit. Nagmukha ata akong espasol! Ganun talaga kapalaran ko… sa sugal.. ahaha... Naman… (^__^)

Itinigil na namin yung game around 1115pm. Tapos natulog na kami kasi maaga pa alis namin the next day (6am...grabeh...).

So hayan, third day na yan. Meron pa, kala nyo... Next time na lang ulit. Wahaha. Tinatamad na ako. Salamat sa pagbabasa at nawa'y ipahinga nyo na ang inyong mga mata. (^__^)

Hanggang sa muli!!! Paalam!!!




Friday, June 27, 2008

Sagada. Day One. Action!

Inimbento ni: RoSyeL (^__^)

Mga tauhan:
* Roann -a.k.a. Ate ni Batang Red Bull (Ms. Omelet kung minsan ang pwedeng itawag…)
* Rochelle -a.k.a. Ms. Flat Footed (Laglag queen din minsan…)
* Armela -a.k.a. Last woman standing and walking… hehe…
* Paul John -a.k.a. KURT (CR boy...haha…)

One Day - Isang Araw.
Petsa: Ika-labing siyam ng Hunyo, 2008.
Oras: Alas sais ng gabi.
Lokasyon: Dau Bus Terminal.


Ayan, nagkita-kita na kami sa mata ng mga kasama ko at tutungo na kami ng Maynila. Sobrang excited kaming apat (dami namin noh? Hehe…) magpunta sa Sagada. Matagal pinag-planuhan ito at maraming research ang involve dito. May mga nagdoubt na hindi matutuloy (kahit hindi nila sinasabi... hehe...),pero siyempre, kalat na ang balita so kailangan matuloy ito. Wahaha! At isa pa, bumili pa ako ng bag para lang matuloy ito, so by hook or by crook dapat, tuloy!!! Hahaha.

Ang unang schedule dapat ng alis namin ay noong June 14. Sakto, may sweldo, para may panggastos. Subalit, nagkaroon lang ng problema sa work schedule ni Kurt. Nasira na nga ang aking tuwa at nabalisa ako kung matutuloy pa nga ito. Buti na lang at napag-usapan ulit ng grupo ang ibang posibleng schedule namin. Ang susunod na nai-set ay dapat sa June 28. Medyo hindi ako pumayag ng June 20, kasi nga ito yung week na schedule ng aking buwanang tuldok. Hahaha.

Pero, subalit at however, dininig ang aming hinaing at may good news na dumating noong June 16th. Napaaga ang dating ng aking tuldok. Hehe. Nung nalaman ng mga kasamahan eh natuwa sila. Hayun, sa sobrang tuwa, na-ischedule naman ng sobrang aga. Gosh! Ginawang June 19 na imbes na 20th. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis eh. Hehe. Hindi pa tapos ang aking bwisita, gusto na nilang umalis. Anu ba yan, so early... di ba? Hehe. So, para namang may choice ako, hayun, na-finalize na yung date. Umalis nga kami ng June 19, 6pm. Nagkita-kita sa Dau Terminal. Ang routa namin is Manila-Banaue-Bontoc-Sagada. Ang dami pang in-between na dadaanan nun ha... Hehe.

*Sa loob ng bus ng Genesis, to Manila. Picture taking time!!!

Bago kami umalis, may mga balita tungkol sa paparating na Bagyo. Yun nga lang nasa Mindanao area pa. Parang ayaw pa nga akong paalisin ni Mother eh. Syempre, nagwo-worry siya. Sabi pa nga,"Kung madatnan kayo ng malakas na ulan, umuwi kayo kaagad ha..." Pero syempre, tuloy pa rin, parang yung ulan kasi sa may Clark lang. Wehehe.

Anyway, going back to where I belong, nakarating na kami ng Manila mga 830pm (ata...). Na-confuse si manong driver ng bus so ang nangyari, sumakay pa kami ng dyip papuntang Bus Station ng Florida (Name nung Bus). Ang biyahe papuntang Banaue ay 1045pm pa raw. P450/head ang bayad. Nagpunta din kami sa Autobus (Dimas-Alang) at sabi 930pm ang biyahe naman nila. Nagdecide kami na sa Florida Bus na lang, kasi mas mukhang bago yung Bus nila keysa dun sa Autobus. Safety first, ika nga. Hehe.

Habang waiting ang status, kumain muna kami sa malapit na Mini Stop. Wala matinong makain so hindi kami masyadong nag-enjoy sa food. Wala naman choice, walang fast food na malapit kung nasaan kami. Baka maiwan pa kami ng bus kaya, dun na lang kami kumain. After dun, bumalik na kami dun sa bus station at naghintay ng pagkatagal-tagal.

Mga alas diyes ng gabi, dumating na yung sasakyan namin. Pumasok na kami sa Bus para mailagay na yung mga kagamitan namin at maka-pwesto na sa mga lugar namin. Medyo disappointing yung bus, kasi may certain scent sya na nakakasuka. Hehe. Banyo scent. Eeew.. Deluxe na daw yun. Tapos kung gusto mong magbanyo, merong maliit na CR sa loob. As in maliit, parang singlaki lang ng takip ng manhole ang area. Para di ka mahulog or mapa-upo dun sa toilet bowl, kapit ka dapat sa door knob. Hehe. Ayus na rin yung bus, compare naman dun sa itsura nung Autobus. (^__^)

Medyo matagal pa rin ang aming paghihintay. Sa aking tantsa, umalis na ata kami ng Maynila bago mag-alas dose ng hatinggabi. Akala ko nga, eexit kami sa Dau ulit, kung nagkataon, magwawala ako. Wahaha!

Ang exit namin ay sa may Bulacan (base sa nakita kong mga road signs…). Ang natatandaan ko din ay dumaan kami ng Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Isabela. After that, wala na akong idea talaga. Masyado ng madilim sa labas. Basta ang goal namin, makarating ng safe sa Banaue. Hehe.

Sa tulin magmaneho ni manong driver, eh parang mabilis lang ang biyahe. Lagi kasi siyang nasa left lane, to over-take. Sus! Too fast and very furios ata... Banaue Drift... Hehe.

Tatlong beses din ata kami nag-stop over sa mga kainan. Pero bumaba lang kami dun sa pinakahuli. Nagkape at yosi muna, kasi sobrang lamig sa loob ng bus. Di na nakayanan ng powers ko. Hehe. Nag-cr din kami dun, pero grabeh… Nakakalasing sa sobrang panghe. Buset. Hahaha. Nawala tuloy ang antok ko... Haha...

So after nun, biyahe ulit (hayz...). As usual, di ako nakakatulog sa biyahe. Namimili ang leeg ko ng magandang pwesto eh. Prone kasi ako sa stiff neck. Haha. Grabeh! Signs of aging. Pucha naman... Hehe.

Ay, siyangapala, ang unang kamalasan ko sa biyaheng ito eh nung nasira yung aking chair. Buyset kasi eh, natanggal yung turnilyo nung may nadaanang bato or lubak ang bus. Kainis! Buti na lang at hindi tinamaan yung sebo girl dun sa likuran ko. Wahaha. Anyway, nagawa naman eh. Buti na lang at nakita pa namin yung turnilyo. Ang sakit sana sa likod nung biyahe na yun noh? Hehe.


Day Two - Pangalawa. Second. Araw.
Oras: Alas singko y medya ng umaga (I think...)
Petsa: June 20, 2008.
Lokasyon: Banaue

Umaga na. Mataas na ang sikat ng araw. Ganda ng view from top. Medyo nakakatakot din, kasi sobrang lapit na sa bangin.

Final stop namin sa biyahe namin ay sa mismong Banaue na. Fresh air, grabeh. Pagbaba ng bus, may sumalubong na Mama sa amin. Nagtanong din kami kung paano ang biyahe papuntang Sagada. Sabi niya, may biyahe papuntang Bontoc, tapos sakay ulit ng dyip papuntang Sagada. Tapos, biglang may in-offer siyang package tour. Haha. Diretsong biyahe na daw yung sasakyan sa Sagada tapos may konting tour sa Banaue Rice Terraces. Ang bayad ay P250/person. Trip starts @ 8am. Nag-suggest na magbreakfast muna kami. Sinakay pa nga kami dun sa jeep nya, libre lang daw. Tapos isang pikit lang nandun na kami sa Hidden Valley Foodhaus. Natawa nga ako kay Mela, kasi ang comment nya…”Wow, it's so far…” Hahaha! Isang tambling lang, yun na yun. Mas nahirapan pa ata kami sa pagsakay eh. Sus, si manong talaga, patawa…Hahaha.

Since nagtitipid, share kami ni Ro. Umorder kami ng isang omelet (payborit…Haha…) at dalawang rice. Sina Mela at Kurt, chopseuy naman.

After ng breakfast, hinatid na kami sa may sakayan. Mga 9am na ata nung umalis kami ng Banaue. May mga ibang pasahero din sa loob ng jeep. May mga poreyngers din. MUkhang mga DOMs. Haha. Joke. Hingi sana ako ng pera. (^__^). Tapos may mga pasahero din na nakasakay sa may bubungan ng dyip. Kapag may pumapara, kinakalabog lang nila yung bubong. Astig noh? Hehe.

Heto yung disappointing na part, sabi nila may stop over sa mga Terraces… Pero wala naman pala. Lahat nga ng pictures na kuha namin eh nakaw lang. Sa bilis din magmaneho ni manong, tyambahan lang and kuha namin. Tapos, walang katapusang rough road ang biyahe. Ang paliwanag naman nila kung bakit walang stop-over, eh dahil daw di kasi puno yung dyip (cguro ng mga turistang gustong mamasyal...) Sayang naman. Kaya nga dumaan ng Banaue para makapasyal… Hmpf… Bad trip. Hehe.

* Nakaw na shot ng Banaue Rice Terraces. Buti na lang at nag-minor si Kuya Driver kaya maganda ang kuha ko… Camera phone lang yan, infairness…

Anyway, pasahe namin ay P150/person na lang hanggang Bontoc. Then, from Bontoc to Sagada naman P35/person. 45 minutes to an hour ang biyahe.

Punuan din ang style ng mga jeep dun. Hourly ang biyahe. Siyempre, habang mega-wait kami, picture taking muna kami dito. Nang mapuno na yung jeep, go na kami. Super cover ang face namin kasi medyo maalikabok. Kala ko sobrang maalikabok, yung pala hindi naman. Yung shades ko lang ang maalikabok. Haha. Engot. Pero nagcover na rin ako, kasi inaantok ako. Pero as usual, hindi ako totally nakatulog. Nakapikit lang, feeling ko makakatulog na ako nun. Pero hindi pala. Isang tao lang naman ang mahimbing matulog sa biyahe. Iyon ay si Roann. Ang bilis nawalan ng malay tao at nakatulog kaagad. Grabeh ha… Rough road na yung dinadaan pero, super tulog talaga. (^__^)

* Yan ang sinakyan namin papuntang Sagada. Punuan, literal.(^__^)

Finally, nakarating din kami sa aming tutuluyang bahay. Kahit mukhang masungit si Ate (Receptionist), astig naman yung guest house, infairview ha…

Ang ganda noh? Yan ang George Guest House. May nabasa lang kaming website about Sagada at isa yan sa mga recommended na place to stay. Maganda ang location kasi malapit sya sa mga resto, souvenir shops at sa Municipal Hall.

After naming maiayus ang aming mga kagamitan, nagbihis na kami at pumunta ng Municipal Hall (walking distance lang…) para mag-inquire about sa mga Guides. Pagkatapos nun, kumain muna kami ng Lunch sa ‘Masferre’ (not sure if tama spelling… hehe…). Isang order ng sinigang (Good for 4 peeps), apat na rice at isang bote ng napakamahal na COKE (nagtitipid po kami... hehe...)

* Papunta kami sa Munisipyo, para mag-inquire about sa mga guides, papunta ng cave.

* Lunch namin sa Masferre… I don’t know if tama yung spelling ko.. haha…

After nun, nagtungo na kami sa Bat Cave. Kahit mataas ang araw, hindi naman gaanong mainit ang panahon. Ang na-assign na guide ay si manong Mike Say-awen (I think…). Describe pa ba namin? One word. Tahimik, sobra. Ay, two words pala yun. Haha. Mabait naman, aloof nga lang ang dating. Hehe. Infernez, informative naman sya. Tanong-sagot ang method nya minsan. Pero nage-explain naman siya kapag may dapat i-explain kahit walang nakikinig. Hahaha.

* Heto si Manong Mike. Emo-kid ang tawag ko dyan. Hehe. Seryosong-seryoso ah...

First stop, sa SUMAGING CAVE. Heto, grabe bukana palang ng cave scary na sya. Dun sa may pababa, medyo steep yung stairs pero na-carry ko naman. Hehe.

* Welcome sa bat cave ni Batman!!!

Medyo kinabahan din ako noong pababa nakami papunta sa cave. Madilim kasi talaga sa loob at again, steep yung stairs at maraming-marami ang mga kabatuhan (rocks…). Kung madudulas ka eh cguradong dedo ka kumbaga. So hayun, habang pababa na kami, mega hawak sa mga bato. Kala mo putik yung nasa mga batuhan… Wit, wrong kayo dyan! Yun na ang poopoo ng mga bats. Walang oras dito para maging maselan. Kung di mo hahawakan ang mga batuhan, ikamamatay mo!!! (^__^)

* Kumakabog-kabog na ang aming mga salo... wahaha... This is it, my friends!!!

Sa natatandaan ko, ang unang nakita naming rock formation eh yung elephant. Base sa mga pictures na nakuhanan namin eh yun nga ang una. Hindi pa kasi ako nabasa... Hahaha! As we move on, marami kaming mga nakita pang ibang formation. Sa totoong lang, hindi ko na natatandaan ang mga nangyari eh, kasi sobrang nerbiyos ko. Wahaha. Na-appreciate ko naman nakita ko sa loob ng cave, kaso nga lang, matindi lang ang worry ko na baka madulas ako. So hayun, nangyari ang kinatatakutan ko. Nadulas nga ako. Hehe. Syet naman. (^__^)

Anyway, sa aming paglalakbay pababa, ang unang pagkadulas ko sa mga bato ay nangyari na. Very wrong!!! Sa kapampangan, “mitalingkibi ku…” Parang na-off balance ako ng konti. Kala ko nga napilayan na ako. Buti hindi, dahil wala pa kami sa kalahati ng paglalakbay at ayokong maiwan. Hehe.

After nun, lakad ulit... ay correction…gapang ulit… kailangan kumapit sa mga batuhan. Hanggang sa nakarating na kami dun sa may medyo safe ng place… hindi na madulas yung mga batuhan… Heto ang kamalasan ko, kung kalian hindi na madulas, eh dun pa ako nahulog! Syet! Technically, hindi ako nadulas, na-off balance lang. Wahaha. Hindi ko natantya yung step pababa. Natumba kasi ako sa may tubig kaya mukhang nadulas ako. Grabeh na ito! Masakit sya ha, infairness. Nasaktan na nga ako, napahiya pa. Sus! Grabeh... Kaloka! (^__^)

Heto pa ang nakakatawa, nung natumba na ako, ang una kong sinabi…”Ay, kuya yung bag ko…” Wahaha! Nahulog na nga, yung bag pa ang inisip. Baka kasi mabasa yung camera at ang aking celphone. Tumayo ako agad at pinalagay ko sa Bag ni Manong Mike So ayun, patuloy ang buhay, hehe. Kailangan ituloy ko kasi ayokong maiwan noh!. Hehe. After the incident, ayun, mega-alalay si Manong. Haha. Baka di na kasi ako makalabas ng buhay sa cave na yun. Hehe.

Anyway, kung saan-saan pa kami dinala nitong si Manong Mike. Tinanong kung gusto pa namin pumunta dun sa ibabang bahagi ng cave kung saan may mga water chuvanels up to the 10th level! Exagge... Hehe. Syempre game ang lahat. At ang opinyon ko? Sus, para naman may choice akong tumanggi. E di, game na rin ako. Ayoko atang bumalik mag-isa... Hallur? (Mapilitan ka ba bhoks… hehe…)

* Nanginginig pa rin ang aking mga tuhod dito kahit mega smile ako for the camera! Kailangan eh... Haha!

Since accident prone ako, hindi na ako yung pinapauna ni Manong Mike sa paglalakad namin sa loob ng cave… Hehe.. NaUna na sa akin si Ro… Sample ko sya… Hehe.. Batang red bull ito eh… Bionic woman. Mala-pusa. Joke dod... Hehe. Nahirapan ako dun sa mga part na may paakyat at lalo na yung steep na mga bato na pababa tapos may malamig pang tubig na umaagos. Yung isa sa pinakanahirapan ako eh yung pag-rappel pababa sa malamig na tubig. Ang daming kakapitan tapos magrerely ka lang dun sa lubid. Tapos sa ibaba, yung hanggang dibdib na tubig na super lamig… Brrr.... Super kinakabahan talaga ako noon. As usual una si Ro. Medyo scared din sya, kasi may kalaliman ang tubig at medyo may konti current kasi…

Kung Claustrophobic ka, di ka talaga pwede dito, ikakamatay mo… Hehe… Ang nakakatawa pa, natatakot na nga ako sa pagpalipat lipat ko sa mga bato, bitbit ko parin yung aming mga bottled water… Wahaha… Bawal kasi magtapon doon, nakakahiya naman kay mother nature kung iiwan lang namin doon. Hehe…

Anyway, after malampasan yun, sumunod naman yung paakyat, through lubid lang... Grabeh, kahit hindi madulas yung rock, natatakot na ako, kasi nga meydo flat footed ako at prone sa aksidente… Natatakot akong madulas at baka tumama ang face ko sa rock at masira yung ipin ko kung ma-wrong move ako… Wahaha… Na-praning na talaga ako ng todo!!! Anywho, nagawa ko naman yung pag-akyat, so move on na kami until palabas na…

May mga tinuro pa palang parang mga drawings sa pader ng cave si Manong Mike. Wala lang. Hindi ko masyadong pinansin, kasi gusto ko ng lumabas. Hehe.

Ay, heto pa, bago kami lumabas, ginudtym pa kami ni Manong Mike. Pinadaan (actually, gapang...) pa kami dun sa isang side ng cave… Nagtaka pa nga kami bakit pina-una si Ro, eh ang dilim, siya lang may dala nung gasera... Yung pala, meron na man palang daan dun sa kabila!!! Kainis… natamaan pa tuloy ang aking mga galos…Huhu… Mataket kasi.. Hehe…

Around 530 or 6pm na nung nakalabas kami. Nagstart ata kami ng mga 2 or 3pm… Medyo matagal din infairness… May mga nasalubong pa nga kami papasok sa Cave, pero I think sandali lang sila dun.

Anyway, tapos sa cave, pinuntahan naman namin ang Burial Site malapit din doon or heto din yung tinatawag nilang mga hanging coffins. Again, alay-lakad moment ulit papunta dito, kasi pababa ng hill ang location. Creepy din yung place kasi tahimik talaga. Tapos, makitid din ang daan papunta dito...

* Burial Site (Hanging Coffins ng Sagada)

Nagpicture lang kami ng konti tapos umalis din, kasi mag-gagabi na at natatakot na rin kami. At nilalamig na kami kasi basang-basa ang aming mga outfit... Hehe...

Pagkauwi, pahinga ng konti, tapos nag-shower na lahat para makapag-dinner na kami. Sabi kasi nila may curfew ng 9pm. So, kumain kami sa YOGHURT HOUSE. In-order ko yung fried rice, pareho pala kami ni Kurt ng order, di kami aware… Sana nag-pasta na lang ako… Hehe… Tapos si Mela, sandwich lang kinain pero masarap naman infairness.

Si Ro, Chopseuy ang order at syempre, may special participation ang mahiwagang scrambled egg. Haha… At syempre, ang aking favorite, COKE, meron din. Tsaka, tinikman din namin pala yung yogurt nila. Masarap naman... (^__^)

* YOGHURT HOUSE. Yun talaga spelling nya eh…

After ng magulay na dinner namin, balik na kami sa Guest House. Nag-ayos lang ako ng gamit at nireydi ang aking isusuot the next day. After nun, tulog na kaming lahat. Si Ms. Mel ang pinaka unang na knocked out sa amin. Nawalan agad ng Malay tao. Hehe… O sa next blog na yung second day namin… Kakatamad na eh... Hehe... Thanks for reading. Mwuah! (^__^)





SagaDa Town PropEr





Monday, June 23, 2008

SuMaGiNG cAvE

SaGaDa
sUmAging CAVE
June 20-22, 2008

TEAM:mELa.bHOkS.kURT.rO